|
||||||||
|
||
Ayon sa ayos na kronolohikal, ang pansiyam na balita ay may kinalaman sa pagtitiwalag ng Cambodia National Rescue Party (CNRP) , partido oposisyon ng Kambodya.
Noong Nobyembre 16, 2017, nagpasiya ang Korte Suprema ng Cambodia na buwagin ang CNRP at ipagbawal ang pakikilahok ng 118 miyembro nito sa mga suliraning pulitikal sa loob ng limang taon.
Noong Setyembre 3, 2017, nagdaos ng news briefing si Ministrong Panlabas Prak Sokhonn hinggil sa pagdakip kay Kem Sokha, lider ng CNRP, sa mga sugo at organong dayuhang nakatalaga sa bansa.
Sa briefing, ini-ere ang video clip bilang katibayan ng pagtataksil sa bansa ni Kem Sokha, kasama ng mga tagasuporta.
Ilang oras makaraang ilabas ang nasabing video, inaresto ng kapulisan ang nasabing lider oposisyon sa kanyang tahanan sa Phnom Penh, ayon sa Criminal Code ng Cambodia.
Nakatakdang idaos ang pambansang halalan ng Cambodia sa 2018. May 123 luklukan ang parliamento ng bansa. Sa pambansang halalan noong 2013, ang Cambodian People's Party (CPP), naghaharing partido ay kumuha ng 68 na puwesto samantalang ang CNRP ay nagtamo ng 55.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |