Sinabi kamakailan ni Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea, na may malaking depekto sa kasunduan hinggil sa isyu ng "comfort women" na nilagdaan noong 2015 ng T.Korea at Hapon, at hindi nito malulutas ang naturang isyu. Pero, bilang tugon, ipinahayag ng panig Hapones, na hinding hindi dapat susugan ang nasabing kasunduan.
Kaugnay nito, sinabi kahapon, Biyernes, ika-29 ng Disyembre 2017, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat tumpak na pakitunguhan ng panig Hapones ang pagkabahala ng mga bansang Asyano at komunidad ng daigdig sa isyu ng "comfort women," at maayos na hawakan ang isyung ito sa pamamagitan ng responsableng atityud.
Salin: Liu Kai