Ayon sa ulat ngayong araw, Biyernes, ika-5 ng Enero 2018, ng Ministri ng Reunipikasyon ng Timog Korea, sumang-ayon ang Hilagang Korea sa pagdaraos ng talastasan sa mataas na antas sa ika-9 ng buwang ito sa Panmunjon.
Sinabi ng tagapagsalita ng naturang ministri, na tinanggap nang araw ring iyon ng panig T.Koreano ang dokumento ng pagkumpirma mula sa panig H.Koreano.
Ayon sa dokumentong ito, tatalakayin ng dalawang panig sa nabanggit na talastasan ang mga isyu hinggil sa pagpapabuti ng relasyon ng dalawang bansa, na kinabibilangan ng pagpapadala ng H.Korea ng delegasyon sa Winter Olympics na idaraos sa Pyeongchang ng T.Korea.
Salin: Liu Kai