Napili Huwebes, Disyembre 28, 2017 ng China Radio International ang sampung pinakaimpluwensyal na balitang naganap sa Timog-silangang Asya.
Ayon sa ayos na kronolohikal, ang pansampung balita ay may kinalaman sa kasunduang nilagdaan ng Myanmar at Bangladesh hinggil sa pagpapauwi ng mga refugee mula sa Rakhine State, Myanmar.
Noong Nobyembre 23, 2017, nilagdaan ng Myanmar at Bangladesh ang kasunduan hinggil sa pagpapauwi ng mga tumakas mula sa Rakhine. Mababasa sa kasunduan ang hinggil sa mga patnubay, patakaran at arrangement hinggil sa refugee verification at rehabilitation.
Noong Agosto 25, 2017, inilunsad ng Arakan Rohingya Salvation Army (ARSA) ang atake sa mga outpost ng pulisya sa dakong hilaga ng Rakhine. Dahil sa nasabing sagupaan, mahigit sandaang tao ang namatay at maraming Rohingya ang umalis ng Myanmar papuntang Bangladesh.
Ang mga Rohingya na nananampalataya ng Muslim ay pangunahing naninirahan sa Rakhine State sa kanluran ng Myanmar na kahangga ng Bangladesh. Karamihan sa mga residente sa Rakhine State ay mga mamamayan na nananampalataya sa Budismo. May alitan ang nasabing dalawang lahi sapul noong ika-18 siglo.
Salin: Jade