Binuksan kamakailan sa Vientiane, Laos, ang magkasanib na laboratoryo ng Tsina at Laos para sa pagdedebelop at paggamit ng renewable energy.
Sa pagtataguyod ng Ministri ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina, ang naturang laboratoryo ay magkasamang itinayo ng Yunnan Normal University ng Tsina at Renewable Energy and New Material Institute ng Ministri ng Siyensiya at Teknolohiya ng Laos.
Sa pamamagitan ng laboratoryong ito, ipagkakaloob ng Tsina sa Laos ang mga kagamitan para sa eksperimento kaugnay ng renewable energy, at tutulungan ang panig Lao sa pagsasanay ng mga talento sa aspektong ito.
Salin: Liu Kai