Ayon sa estadistikang ipinalabas ngayong araw, Biyernes, ika-12 ng Enero 2018, ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong taong 2017, umabot sa halos 2.8 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng kalakalan ng pagluluwas at pag-aangkat ng mga paninda ng bansa, at ang bilang na ito ay lumaki ng 14.2% kumpara sa noong taong 2016. Ito rin ay unang pagtaas ng bilang na ito, pagkaraan ng 2-taong pagbaba.
Sinabi ni Huang Songping, tagapagsalita ng naturang administrasyon, na ang paglaki ng kalakalang panlabas ng paninda ng Tsina ay dahil sa, una, paglaki ng pangangailangan ng mga ibang bansa sa mga panindang Tsino, na dulot ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig; at ikalawa, pagsasagawa ng Tsina ng mga hakbangin ng pagdaragdag ng pag-aangkat.
Ipinalalagay din niyang, dahil sa patuloy na pagbangon ng kabuhayang pandaigdig sa taong 2018, at patuloy na pagbuti ng kabuhayang Tsino, may pag-asang mananatiling lumaki ang kalakalang panlabas ng Tsina sa taong ito.
Salin: Liu Kai