|
||||||||
|
||
Phnom Penh, Cambodia — Sa kanyang pagdalo nitong Miyerkules, Enero 10, 2018, sa Ikalawang Pulong ng mga Lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), nilagom ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga natamong bunga ng LMC. Iniharap din niya ang planong pangkooperasyon para sa paghahatid ng pakinabang sa mga mamamayan sa rehiyong ito sa hinaharap.
Ipinahayag ni Premyer Li na nitong dalawang taong nakalipas sapul nang pasimulan ang LMC, ito'y nagsisilbing sa isa mga pinakamasiglang mekanismong pangkooperasyon na may pinakamayamang bunga. Aniya, ang Tsina ay nagsisilbing pinakamalaking trade partner ng Cambodia, Myanmar, Thailand, at Biyetnam, at ikalawang pinakamalaking trade partner ng Laos. Ayon sa inisyal na estadistika, noong isang taon, umakyat sa 220 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at limang bansa sa Ilog Mekong. Ito ay mas malaki ng 16% kumpara sa taong 2016. Sa kasalukuyan, umabot sa mga 80% ang proporsiyon ng kabuuang bolyum ng inaaangkat na bigas ng Tsina mula sa mga bansa sa Ilog Mekong. Samantala, nitong sampung (10) taong nakalipas, lumaki ng 21% bawat taon ang pagluluwas ng prutas ng naturang mga bansa sa Tsina.
Bukod dito, lumampas sa 42 bilyong dolyares ang pamumuhunan ng Tsina sa nasabing limang bansa sa iba't-ibang larangan. Noong isang taon, lumaki ng mahigit 20% ang halaga ng pamumuhunang ito.
Ani Li, kasalukuyang unti-unting isinasakatuparan ang ipinangakong 10 bilyong Yuan, RMB na preperensyal na pautang ng Tsina, 5 bilyong dolyares na preferential export buyers' credit, at 5 bilyong dolyares na espesyal na pautang sa kooperasyon ng kakayahan ng produksyon. Binibigyan aniya ng mga ito ng malakas na pagkatig ang mahigit 20 isinasagawang malalaking imprastruktura at industrilisasyon. Nakahanda ang Tsina na patuloy na isakatuparan ang nasabing dalawang "preperensyal na pautang," at ipagkakaloob pa ang 7 bilyong Yuan na preperensyal na pautang ng pagbibigay-tulong sa ibang bansa, sabi ng Premyer Tsino.
Ipinagdiinan din ni Premyer Li na ang kalusugan ay pundasyon ng kaligayahan ng mga mamamayan, at garantiya ng malakas na bansa. Bilang tugon sa kasalukuyang napakahirap na pagkontrol at pagbibigay-lunas sa mga epidemyang gaya ng malaria, dengue, at AIDS, nakahanda aniya ang Tsina na itatag kasama ng mga kaukulang bansa, ang mekanismo ng magkakasamang pagpigil at pagkontrol sa mga epidemiya, at palakasin ang mga may-kinalamang kooperasyon upang mabisang mapangalagaan ang pangkalusugang seguridad sa rehiyong ito.
Ipinahayag ng Premyer Tsino na nitong dalawang taong nakalipas, mahigit 12 libong mag-aaral mula sa mga bansa sa Ilog Mekong ay ginawaran ng scholarship ng pamahalaang Tsino. Mahigit 3,000 umaaktong opisyal ay pumunta sa Tsina upang dumalo sa short-term training class. Pinasimulan na sa probinsyang Yunnan ng Tsina ang Lancang-Mekong Vocational Education Base kung saan sinanay ang mahigit 10 libong propesyonal na talento para sa limang bansa sa Ilog Mekong, aniya pa. Sa taong kasalukuyan, iimbitahan ng Tsina ang mga opisyal ng nasabing limang bansa sa pagdalo sa mga training classes dito sa Tsina sa mga larangang gaya ng agrikultura, medisina, kausugan, at patubig, dagdag ni Li.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |