YANGON, Jan 20, 2018—Ayon sa Chinese research vessel "Xiang Yang Hong 03," mabunga ang kauna-unahang magkasanib na oceanographic na pananaliksik ng Tsina at Myanamar sa rehiyong pandagat ng Myanmar sa Indian Ocean. Sinimulan ang pananaliksik mula noong ika-17 ng Enero ng 2018.
Isiniwalat ni Qiu Yun, Chief Scientist ng nasabing research vessel, na ang proyektong ito ay nagpopokus sa epekto ng nasabing rehiyong pandagat ng Indian Ocean, sa pagbabago ng klima ng Tsina, at ito ay mahalaga para sa pagtaya at pag-iwas ng kalamidad sa bansa.
Ani Qiu, noong ilang araw na nakaraan, 65 oras na naglayag ang kanilang bapor naglagay ng 680 nautical mile sa rehiyong pandagat ng Myanmar, sa Bay of Bengal at Andaman Sea.
Magbabahaginan ang Myanmar at Tsina sa resulta ng nasabing kauna-unahang magkasanib na pananaliksik.
salin:Lele