|
||||||||
|
||
Beijing— Sa kanyang pakikipagtagpo sa kanyang Japanese counterpart na si Taro Kono, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na ang kasalukuyang taon ay ika-40 anibersaryo ng paglalagda ng kasunduang pangkapayapaan at pangkaibigan ng Tsina at Hapon. Ito aniya ay may espesyal at mahalagang katuturan para sa relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi ni Wang na ang pagpapabuti at pagpapaunlad ng relasyong Sino-Hapones ay angkop sa kapakanan ng dalawang bansa. Ito rin aniya ay komong mithiin ng iba't-ibang sirkulo ng lipunan ng dalawang bansa.
Dagdag pa niya, umaasa ang Tsina na kasama nitong magsisikap ang Hapon, upang mapasulong ang pagbalik ng relasyon ng dalawang bansa sa normal at malusog na landas ng pag-unlad, sa lalong madaling panahon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |