|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Sabado, Enero 27, 2018, ng isang tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Hilagang Korea na ang muling pagpataw ng Estados Unidos ng unilateral na sangsyon laban sa Hilagang Korea, ay humahadlang sa kooperasyon ng Timog at Hilagang Korea. Aniya, layon nitong palalain ang situwasyon sa Korean Peninsula.
Sinabi pa niya na isinagawa ng Amerika ang sangsyon sa ibang bansa ayon sa sariling batas. Ito aniya ay hindi lamang lumalabag sa pandaigdigang batas, kundi isa rin itong grabeng probokatibong aksyong lumalapastangan sa soberanya ng ibang bansa.
Hinihiling din niya sa Amerika na itakwil ang ostilong patakaran nito sa Hilagang Korea, at agarang itigil ang anumang probokatibong aksyong nagpapalala sa situwasyon ng Korean Peninsula.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |