Idinaos kamakailan sa Yogyakarta, Indonesya, ang ika-21 round ng talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Lumahok dito ang mga ministro ng kabuhayan at kalakalan ng 16 na kasaping bansa o kani-kanilang mga kinatawan.
Ayon kay Enggartiasto Lukita, Ministro ng Komersyo ng Indonesya, ipinalalagay ng mga kalahok, na nagtamo ng malaking progreso ang talastasan hinggil sa RCEP. Sinang-ayunan aniya ng lahat ng mga kasaping bansa, na tapusin ang talastasan sa loob ng taong ito.
Salin: Liu Kai