|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipagtalakay nitong Biyernes, Pebrero 9, 2018, sa mga dalubhasa ng Indonesian Think Tank at media, sinabi ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na dapat palakasin ng Tsina at ASEAN ang estratehikong pagtitiwalaan, palalimin ang pag-uugnayan ng estratehiyang pangkaunlaran, at palakasin ang pagpapalitang pangkultura upang magkasamang pumasok sa bagong siglo.
Sinabi ni Huang na sa kasalukuyan, madalas ang pagdadalawan sa mataas na antas ng dalawang bansa, at maalwan ang kanilang pagsasangguniang pulitikal. Aniya, matatag na isinusulong ng Tsina at mga bansang ASEAN ang pagsasanggunian tungkol sa Code of Conduct (COC) in the South China Sea, at patuloy na bumubuti ang situwasyon sa karagatang ito. Wala rin aniyang tigil na nakikita ang positibong tunguhin ng pag-unlad sa usaping ito.
Idinagdag pa niya na dapat magkasamang pasiglahan ng dalawang panig ang kooperasyong panrehiyon upang makalikha ng bagong modelo ng South-South Cooperation. Nakahanda aniya ang panig Tsino na ibayo pang makilahok sa konstruksyon ng ASEAN para makapagbigay ng mas malaking ambag sa integrasyon ng ASEAN at konstruksyon ng komunidad ng ASEAN.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |