|
||||||||
|
||
Jakarta — Sa kanyang pagbisita kamakailan kay Le Luong Minh, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, ipinahayag ni Xu Bu, Embahador ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na nitong ilang taong nakalipas, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng dalawang panig, mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN. Natamo aniya ng dalawang panig ang kapansin-pansing bunga sa mga larangang gaya ng seguridad na pulitikal, kabuhayan at kalakalan, at kultura. Ipinahayag din niya ang pasasalamat sa ibinibigay na pagkatig ni Le Luong Minh sa kanya.
Idinagdag pa ni Xu na buong tatag na kakatigan ng Tsina ang konstruksyon ng komunidad ng ASEAN, at kakatigan din ang "namumunong katayuan" ng ASEAN sa mga kooperasyong panrehiyon.
Lubos na hinahangaan naman ni Le Luong Minh ang ginawang pagsisikap ni Xu sa pagpapasulong ng relasyong ASEAN-Sino. Inaasahan aniya ng ASEAN na ibayo pang mapapalalim ang kooperasyong ASEAN-Sino sa iba't-ibang larangan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |