Ipinahayag kahapon, Lunes, ika-26 ng Marso 2018, sa Beijing, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyan, kinakailangan ng kalakalang pandaigdig ang tuntunin, sa halip na lakas.
Sinabi ni Hua, na sa mula't mula pa'y sinusunod ng Tsina ang mga tuntuin ng World Trade Organization, at pinapangalagaan ang maliwanag, walang-pagtatangi, bukas, at inklusibong multilateral na sistemang pangkalakalan. Aniya, naninindigan ang Tsina sa paglutas sa alitang pangkabuhayan at pangkalakalan, sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian. Dagdag niya, sa katotohanan, isinasagawa ng Tsina at Amerika ang pagsasanggunian sa may kinalamang isyu.
Hinimok din ni Hua ang Amerika, na itakwil ang pananakot at hegemonya sa mga isyung pangkabuhayan at pangkalakalan.
Salin: Liu Kai