Beijing--Sinimulan kahapon, Lunes, ika-26 ng Marso 2018, ng Tsina, Laos, Kambodya, Myanmar, Thailand, at Biyetnam, ang mekanismo ng transnasyonal na pangangalaga sa mga mailap na hayop sa Lancang-Mekong River.
Ito ay isang aktuwal na hakbangin ng mga bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong River, para magkakasamang pangalagaan ang mga mailap na hayop sa rehiyong ito. Sa pamamagitan ng mekanismo, palalakasin ng naturang mga bansa ang kooperasyon sa transnayonal na pangangalaga sa mga mailap na hayop, pagsasagawa ng mga may kinalamang siyentipikong pananaliksik, konstruksyon ng mga ecological corridor, at iba pa.
Ayon sa plano, idaraos bukas ang unang pulong ng nabanggit na mekanismo, para talakayin ang mga konkretong kooperasyon.
Salin: Liu Kai