Beijing, Tsina—Miyerkules, Marso 28, 2018, kinatagpo dito ni Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, si Senador Steve Daines ng Estados Unidos at ang kanyang entorahe.
Sinabi ni Li na mahalaga ang katuturan ng relasyong Sino-Amerikano para sa dalawang bansa at komunidad ng daigdig. Umaasa aniya siyang titingnan at hahawakan ng kapuwa panig ang relasyong ito, batay sa estratehiko't pangkalahatang pananaw; palalakasin ang estratehikong pag-uugnayan; at pag-uukulan ng pokus ang diyalogo't kooperasyon. Dapat ding makontrol aniya ang alitan at mga sensitibong isyu, para maigarantiya ang pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano sa tumpak na landas. Dagdag pa ni Li, nakahanda ang NPC, kasama ng Kongreso ng Amerika, na lubos na patingkarin ang papel ng mekanismo ng pagpapalitan, igalang ang nukleong interes at mahalagang pagkabahala ng isa't isa, at pasulungin ang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan, para mapaunlad ang relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ng mga senador na Amerikano na napakahalaga ng relasyong Amerikano-Sino, at nakahanda silang magpunyagi para mapasulong ang pagtitiwalaan at pagtutulungan ng kapuwa panig.
Salin: Vera