Sa isang preskong idinaos sa Beijing Huwebes, Marso 8, 2018, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na kasabay ng paglikha ng mas mainam na kapaligirang panlabas para sa sariling pag-unlad, magsisikap ang Tsina kasama ng iba't-ibang bansa sa daigdig upang maitatag ang Community of Shared Future for Mankind. Aniya, gagawing pangkalahatang direksyon at target ng diplomasyang Tsino ang pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig na may paggagalangan sa isa't-isa; pagkakapantay-pantay at katarungan; kooperasyon; win-win situation; at pagtatatag ng daigdig na may pangmatagalang kapayapaan, kaligtasan, komong kasaganaan, pagbubukas, at kalinisan.
Ani Wang, buong tatag na pangangalagaan ng panig Tsino ang soberanya ng bansa at dignidad ng nasyon, buong tatag na papanigan ang katarungang pandaigdig at pagsulong ng sangkatauhan, buong tibay na magsisilbing tagapagtatag ng kapayapaang pandaigdig, tagapag-ambag sa pag-unlad ng daigdig, at tagapagsuporta sa kaayusang pandaigdig.
Salin: Li Feng