Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangkalahatang Kalihim ng UN: proteksyonismo, hindi solusyon sa isyung pangkalakalan

(GMT+08:00) 2018-04-06 15:36:29       CRI

Kaugnay ng alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika, ipinahayag kahapon, Huwebes, ika-5 ng Abril 2018, ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN), na ang proteksyonismo ay hindi solusyon sa anumang isyu, at ang diyalogo ay karapat-tapat na pagpili ng iba't ibang panig.

Ipinahayag din ni Guterres ang pagkatig sa multilateralismo at malayang kalakalan. Aniya, bilang tugon sa mga umiiral na problema sa globalisasyon, ang dapat gawin ng iba't ibang panig ay pagpapabuti ng globalisasyon, sa halip na paglaban dito.

Dagdag ni Guterres, ang mga bungang natamo ng Tsina sa nakalipas na 40-taong reporma at pagbubukas sa labas ay nagpapakita ng matagumpay nitong pagsasapraktika ng globalisasyong pangkabuhayan. Ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino aniya, ay positibong lakas tagapagpasulong sa kabuhayan ng daigdig.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>