Inulit kahapon, Biyernes, ika-6 ng Abril 2018, sa Beijing, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kung ilalabas ng Amerika ang isa pang listahan ng 100 bilyong Dolyares na produktong Tsino na papatawan ng karagdagang taripa, agarang isasagawa ng Tsina ang mga matigas na hakbangin bilang tugon.
Sinabi rin ni Lu, na ang "trade war" na inilulunsad ng Amerika ay nagsisilbing banta sa multilateralismo at malayang kalakalan, makakapinsala sa globalisasyong pangkabuhayan, at makakaapekto rin sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig. Ito aniya ay masama sa interes ng Tsina, at komong interes ng buong daigdig. Sa ganitong mahalagang isyu, dapat maging matatag at malakas ang atityud at mga aksyon ng Tsina, dagdag ni Lu.
Nauna rito, inilabas naman ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang parehong pahayag.
Salin: Liu Kai