Inilathala kahapon, Biyernes, ika-6 ng Abril 2018, sa pahayagang Daily Telegraph ng Britaniya ang artikulo ni Liu Xiaoming, Embahador ng Tsina sa bansang ito, na pumapakli sa "Section 301 Investigation" ng Amerika.
Tinukoy ni Liu, na batay sa naturang imbestigasyon, sinabi ng Amerika, na ninakaw ng Tsina ang mga intellectual property ng Amerika, at ipinilit sa mga kompanyang Amerikano na ilipat ang mga teknolohiya. Ani Liu, ito ay walang batayang pagbatikos sa Tsina.
Sinabi ni Liu, na walang anumang batas o regulasyon sa Tsina na nagsasabing dapat ilipat ng mga dayuhang kompanya ang mga teknolohiya sa Tsina. Aniya, ang paglilipat ng mga kompanyang Amerikano ng mga teknolohiya sa mga kompanyang Tsino ay batay sa kanilang pantay na pagsasanggunian, sarilinang desisyon, may-bayad na transaksyon, at mga tuntunin ng pamilihan. Ito rin ay nagdulot ng maraming hanapbuhay sa panig Amerikano, dagdag ni Liu.
Ipinahayag din ni Liu, na nitong mga taong nakalipas, puspusang pinasusulong ng Tsina ang inobasyon, at pinalalakas ang pangangalaga sa Intellectual Property Rights. Ang mga natamong bunga aniya ng Tsina sa mga aspektong ito ay alam ng lahat.
Salin: Liu Kai