|
||||||||
|
||
Ilang eksperto ng China Finance 40 Forum
Ipinahayag kahapon, Sabado, ika-7 ng Abril 2018, sa Beijing ng mga eksperto ng China Finance 40 Forum, kilalang think tank ng Tsina sa larangan ng pinansyo, na ang kasalukuyang alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika ay sinimulan ng panig Amerikano, at dapat buong tigas na makipaglaban dito ang Tsina.
Sinabi ng mga eksperto, na nitong mga nakalipas na panahon, maraming beses na ibinigay ng Tsina sa Amerika ang signal hinggil sa pagdaraos ng talastasan sa isyung pangkalakalan, pero pinagpawalang-bahala ito ng panig Amerikano. Samantala anila, paulit-ulit na pinasidhi ng pamahalaang Amerikano ang alitang pangkalakalan, at sa panahong ito, ang tanging pagpili ng Tsina ay makipaglaban.
Ipinalalagay din ng mga eksperto, na ang paglulunsad ng Amerika ng "trade war" ay aksyon ng proteksyonismo. Ito anila ay masama hindi lamang sa Tsina at Amerika, kundi sa kabuhayang pandaigdig. Sabi anila, kung talagang sisiklab ang trade war sa pagitan ng Tsina at Amerika, tiyak na maaapektuhan ang pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig, at ang negatibong epektong dulot nito ay sasaklaw sa maraming bansa.
Dagdag ng mga eksperto, sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, iginigiit ng Tsina ang pagbubukas sa labas, para ibahagi sa buong daigdig ang benepisyong dulot ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino. Ito anila ay ambag ng Tsina sa multilateral na sistemang pangkalakalan ng daigdig.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |