Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga mahalagang nilalaman sa talumpati ni Pangulong Xi

(GMT+08:00) 2018-04-10 22:21:08       CRI

Sa seremonya ng pagbubukas ng 2018 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia (BFA), na idinaos ngayong umaga, Martes, ika-10 ng Abril 2018, sa lalawigang Hainan sa timog Tsina, bumigkas si Pangulong Xi Jinping ng keynote speech, kung saan pinag-usapan ang 40-taong reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina, at inilahad ang hinggil sa pagbubukas ng bansa sa hinaharap. Narito ang mga mahalagang nilalaman sa talumpating ito.

Dakilang kasaysayan

Noong 1978, ipinasiya sa Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-11 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, ang pagsasagawa ng bansa ng reporma at pagbubukas sa labas. Sa pamamagitan ng 40-taong pagpupunyagi, lumikha ang mga mamamayang Tsino ng dakilang kasaysayan ng pag-unlad ng bansa at nasyon.

Ang Tsina ay naging ikalawang pinakamalaking ekonomiya, pinakamalaking bansang industriyal, bansang may pinakamalaking bolyum ng kalakalan ng paninda, at bansang may pinakamalaking bolyum ng foreign reserve.

Umabot sa 9.5% ang taunang paglaki ng GDP ng Tsina, 14.5% naman ang taunang paglaki ng kalakalang panlabas, nabawasan ang mahigit 700 milyong mahirap na populasyon, na katumbas sa 70% ng kabuuang bolyum ng nabawasang kahirapan sa buong daigdig, at lumampas sa 30% ang contribution rate sa paglago ng kabuhayang pandaigidg, nitong maraming taong nakalipas.

Mahalagang inspirasyon

Isa sa mga mahalagang inspirasyon mula sa 40-taong reporma at pagbubukas sa labas: kung gustong isakatuparan ang pag-ahon ng bansa at nasyon, dapat piliin ang landas angkop sa kasaysayan nito at tunguhin ng panahon. Hindi lamang iisa ang landas tungo sa modernisasyon. Lakas-loob ang mga mamamayang Tsino, na sinubok ang landas na walang tinahak noong dati.

Ang reporma at pagbubukas sa labas ay ikalawang rebolusyon ng Tsina. Nagdulot ito hindi lamang ng malaking pagbabago sa Tsina, kundi rin ng malalimang epekto sa daigdig.

Plano para sa panahong ito

Sa harap ng masalimuot na kalagayan ng daigdig, anu-ano ang plano para sa sangkatauhan at Asya sa hinaharap?

Ang kapayapaa't kooperasyon, pagbubukas't pag-uugnayan, at reporma't inobasyon ay tatlong pangunahing tunguhin ng daigdig sa kasalukuyan

Sa hinaharap, dapat igiit ang paggalang at pantay-pantay na pakikitungo sa isa't isa, maayos na kontrolin ang mga pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo, magkakasamang isabalikat ang mga responsibilidad, isakatuparan ang kooperasyon at win-win situation, pasulungin ang pagpapalitan ng iba't ibang sibilisasyon, at mahalin ang planetang mundo.

Mga bagong misyon sa bagong panahon

Iba-iba ang misyon sa iba't ibang panahon. Sa bagong panahon, komprehensibong palalalimin ng mga mamamayang Tsino ang reporma, patuloy na palalakasin ang inabasyon, ibayo pang palalawakin ang pagbubukas sa labas, at patuloy na makikipagtulungan sa daigdig para magbigay ng mas malaking ambag sa sangkatauhan.

Mga bagong hakbangin ng pagbubukas sa labas

Palalawakin ng Tsina ang market access, at paluluwagin ang limitasyon sa pamumuhunang dayuhan sa larangan ng pinansyo, na gaya ng industriya ng pagbabangko, securities, at seguro; at sa larangan ng manupaktura, na gaya ng industriya ng sasakyan.

Palalakasin ang pagkakatugma ng mga batas at regulasyon hinggil sa kabuhayan at kalakalan, sa mga pandaigdig na tuntunin.

Ibayo pang palalakasin ang pangangalaga sa Intellectual Property Rights (IPR).

Daragdagan ang pag-aangkat, at ibayo pang babawasan ang taripa sa mga aangkating paninda, na kinabibilangan ng sasakyan.

Lakas-tagapagpasulong sa pag-unlad

Sa kasalukuyang daigdig, ang inobasyon ay saligang lakas-tagapagpasulong sa pag-unlad ng lipunan ng sangkatauhan, at hindi mahahadlangan ang paghahangad ng mga tao sa pagbabago. Hindi dapat ayawan ang pagbabago, at hindi itakwil ang inobasyon.

Solemnang pangako

Kahit uunlad ang Tsina sa anumang digri, hindi nito isasapanganib ang sinuman, hindi nito wawasakin ang umiiral na sistemang pandaigdig, at hindi nito itatatag ang sariling rehiyon ng impluwensiya. Sa mula't mula pa'y ang Tsina ay bansang naglilingkod sa kapayapaan ng daigdig, nagbibigay-ambag sa kaunlaran ng mundo, at nangangalaga sa kaayusang pandaigdig.

Saligang patakarang pang-estado

Ang pagbubukas sa labas ay saligang patakarang pang-estado ng Tsina. Nitong 40 taong nakalipas, natamo ng Tsina ang mga bunga sa pagpapaunlad ng kabuhayan, sa pamamagitan ng pagbubukas sa labas. Sa hinaharap, kung gustong isakatuparan ng Tsina ang de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan, dapat ibayo pang palawakin ang pagbubukas sa labas.

Pabukas nang pabukas ang pinto ng Tsina sa labas.

Belt and Road Initiative

Ang mga pagkakataon at bungang dulot ng Belt and Road Initiative ay dapat ibahagi sa daigdig. Ang inisyatibang ito ay hindi para sa geopolitics, at hindi ring nagtatangi ng anumang ibang panig.

Dapat pasulungin ang Belt and Road Initiative, para ito ay maging plataporma ng pinakamalawak na kooperasyong pandaigdig, na angkop sa tunguhin ng globalisasyong pangkabuhayan.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>