Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga dayuhang lider sa BFA, positibo sa reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina

(GMT+08:00) 2018-04-11 11:24:54       CRI
Sa kani-kanilang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng 2018 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia (BFA), na idinaos kahapon, Martes, ika-10 ng Abril 2018, sa lalawigang Hainan sa timog Tsina, binigyan ng mga dayuhang lider ng mataas na pagtasa ang mga hakbangin ng pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, na ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Anila, ang patuloy na pagpapasulong ng Tsina sa reporma at pagbubukas sa labas ay makakatulong sa komong kaunlaran at kasaganaan ng daigdig.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, na ang iba't ibang bansa ay nagkakaroon ng komong interes at komong responsibilidad sa pagpapasulong ng mas masaganang Asya at daigdig. Ang kooperasyon aniya ay landas tungo sa pagsasakatuparan ng pangarap na ito.

Sinabi ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations, na sa pamamagitan ng 40-taong reporma at pagbubukas sa labas, naisakatuparan ng Tsina ang malaking pagbabago ng bansa, at relasyon nito sa daigdig.

Ipinahayag ni Pangulong Alexander Van der Bellen ng Austria, na sa kasalukuyan, mayroong kapwa pagkakataon at hamon sa pagsasakatuparan ng komong kasaganaan ng daigdig, at dapat pahalagahan ang papel ng Tsina at Asya sa usaping ito, at ang pagtutulungan ng iba't ibang bansa.

Sinabi ni Punong Ministro Ukhnaagiin Khurelsukh ng Mongolia, na nagbigay ang Tsina ng malaking ambag sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Nananalig din aniya siyang, sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, magbibigay ang Tsina ng mas malaking ambag sa daigdig.

Hinahangaan naman ni Punong Ministro Mark Rutte ng Netherlands ang pagtataguyod ng Tsina sa pagbubukas at inobasyon. Ito aniya ay mahalaga para sa pagharap sa proteksyonismong pangkalakalan, na isang banta sa takbo ng pamilihan, pagpapalitan ng mga mamamayan, at pag-unlad ng kaisipan.

Sinabi ni Punong Ministro Shahid Khaqan Abbasi ng Pakistan, na ang mabilis na pag-unlad ng Tsina ay nagbigay ng ambag sa kabuhayan ng daigdig. Mahalaga rin ang napapatingkad na papel ng Tsina sa pagharap sa pagbabago ng klima, pagpapasulong sa kalakalang pandaigdig, pagtataguyod sa pagkakapantay-pantay at sustenableng pag-unlad ng daigdig, dagdag pa niya.

Positibo si Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore, sa maraming beses na paglalahad ng mga lider na Tsino ng paninindigan sa pagkatig sa multilateralismo at pagbubukas. Aniya, ang Belt and Road Initiative at Asian Infrastructure Investment Bank ay dalawang malaking ambag ng Tsina sa rehiyonal na kasaganaan.

Sinabi naman ni Christine Lagarde, Managing Director ng International Monetary Fund, na kailangang buong tapat at pantay-pantay na pakitunguhin ng iba't ibang bansa ang mga hakbangin ng Tsina ng pagpapalawak ng pagbubukas sa labas.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>