Nakipagtagpo ngayong araw, Miyerkules, ika-11 ng Abril 2018, sa Boao, lalawigang Hainan sa timog Tsina, si Pangulong Xi Jinping sa mga miyembro at bagong-halal na miyembro ng Board of Directors ng Boao Forum for Asia (BFA).
Tinukoy ni Xi, na naitatag ang BFA, pagkaraang maganap ang krisis na pinansyal sa Asya noong 1997. Ito aniya ay nagpakita ng komong palagay ng mga bansang Asyano sa magkakasamang pagharap sa mga banta, at angkop din sa tunguhin ng rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan.
Ipinahayag din ni Xi ang pagkatig ng Tsina, bilang bansang tagapagtaguyod ng BFA, sa organisasyong ito. Umaasa aniya siyang patuloy na bibigyang-pansin at kakatigan ng BFA ang pag-unlad ng Tsina, at patitingkarin din ang positibong papel para sa komong kasaganaan ng Tsina at daigdig.
Kabilang sa mga bagong-halal na miyembro ng Board of Directors ng BFA si Gloria Macapagal Arroyo, dating Pangulo ng Pilipinas.
Salin: Liu Kai