Binigyan ng positibong pagtasa ng mga eksperto ng mga bansang Asyano, ang talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa seremonya ng pagbubukas ng 2018 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia (BFA), na idinaos kahapon, Martes, ika-10 ng Abril 2018, sa lalawigang Hainan sa timog Tsina.
Sinabi ni Lucio Pitlo III, Lecturer ng Chinese Studies Department ng Ateneo de Manila University, na ang reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina ay malaking inspirasyon at mahalaga ring pagkakataon para sa mga umuunlad na bansa. Ipinalalagay din niyang, kasunod ng pag-unlad ng Tsina, lumalakas ang kakayahan nito sa pagkakaloob ng mga serbisyong pampubliko sa daigdig.
Sinabi ni Li Renliang, eksperto ng National Institute of Development Administration ng Thailand, na ang 40-taong reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina ay nagpasulong sa mabilis na kaunlaran ng bansang ito, at nagbigay rin ng ambag sa kasaganaan ng kabuhayang pandaigdig. Ang landas ng pag-unlad ng Tsina aniya ay karapat-dapat na huwaran ng mas maraming bansa.
Hinahangaan ni Ei Sun Ho, Punong Tagapayo ng Sentro ng Pananaliksik sa Pasipiko ng Malaysia, ang mga hakbangin ng ibayo pang pagbubukas ng pamilihan at pagdaragdag ng pag-aangkat, na ipinatalastas ng Pangulong Tsino. Ang mga ito aniya ay mahalaga para sa pangangalaga sa malayang kalakalan, at pagtutol sa proteksyonismong pangkalakalan.
Sinabi naman ni B.R. Deepak, Propesor ng Jawaharlal Nehru University ng Indya, na ang ideya ng "community with shared future for mankind" at Belt and Road Initiative ay naging di-maiiwasang bahagi sa pag-unlad ng kabuhayan ng rehiyon at daigdig. Makikinabang aniya sa mga ito, hindi lamang ang mga bansang Asyano, kundi rin ang buong daigdig.
Salin: Liu Kai