Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng 2018 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia (BFA), na idinaos kahapon, Martes, ika-10 ng Abril 2018, sa lalawigang Hainan sa timog Tsina, inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang hinggil sa ibayo pang pagpapalawak ng bansa ng pagbubukas sa labas, at ipinatalastas din niya ang mga may kinalamang hakbangin. Ang mga hakbanging ito ay bahagi ng nakatakdang plano ng Tsina hinggil sa unti-unting pagpapasulong sa pagbubukas sa labas, batay sa kalagayan ng bansa.
Ang pahayag ni Pangulong Xi ay binigyan ng positibong pagtasa ng komunidad ng daigdig, na kinabibilangan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika.
Samantala, ipinatalastas ngayong araw ni Yi Gang, Gobernador ng People's Bank of China, bangko sentral ng bansa, ang mga konkretong hakbangin at time table ng pagpapalawak ng pagbubukas ng sektor na pinansyal ng Tsina. Ipinakikita nitong, sa mula't mula pa'y tinutupad ng Tsina ang pangako nito.
Pero, kung igigiit ng Amerika ang trade war sa Tsina, mawawalan ito ng pagkakataon para sa pakikipagkooperasyon sa Tsina, at pakinabang sa reporma at pagbubukas nito.
Ikinalulugod ng panig Tsino na makita ang pagbibigay ng panig Amerikano ng positibong signal, pero ang mas mahalaga ay mga aktuwal na aksyon sa susunod na yugto. Umaasa ang Tsina, na ititigil ng Amerika ang paggamit ng trade war at pagbabanta sa Tsina, itatakwil ang unilateralismo at proteksyonismong pangkalakalan. Ang multilateral na sistema ng malayang kalakalan ay tumpak na landas tungo sa win-win result.
Artikulo ng commentator ng CMG
Salin: Liu Kai