Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Positibong pahayag ni Trump sa Tsina, masalimuot ang layon--CRI kolumnista

(GMT+08:00) 2018-04-12 08:27:16       CRI

Pagkaraang ilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga patakaran at hakbangin hinggil sa pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, sa kanyang talumpati sa 2018 Boao Forum for Asia, ipinahayag sa kanyang tweet ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, ang pasasalamat sa pagbibigay ni Pangulong Xi ng mapagkaibigang pananalita hinggil sa isyu ng taripa at pag-aangkat ng mga sasakyan, at positibong signal sa aspekto ng Intellectual Property Rights at pagpapalitan ng teknolohiya.

Sa kasalukuyang paglulunsad ng Amerika ng trade war sa Tsina, bakit inilabas ni Trump ang naturang pahayag. Ayon sa kolumnista ng Radyo Internasyonal ng Tsina, may tatlong dahilan, at ito ay ang mga sumusunod:

Una, dahil sa presyur mula sa komunidad ng daigdig.

Ang talumpati ni Xi sa BFA ay nagpapakita ng pagtataguyod ng Tsina sa globalisasyon at multilateral na sistemang pangkalakalan, at ito ay binigyan ng mataas na pagtasa ng komunidad ng daigdig. Samantala, ang patakarang isinasagawa ng administrasyon ni Trump ay unilateralismo at proteksyonismong pangkalakalan, at ito ay salungat sa tunguhin ng panahon.

Sa panahon ng pagpuri ng komunidad ng daigdig sa Tsina, dapat ding ilabas ni Trump ang positibong pahayag, para panatilihin ang isang positibong imahe ng Amerika.

Ikalawa, para pilipitin ang opinyong publiko ng daigdig.

Sa katotohanan, ang pagpapalabas ng Tsina ng mga hakbangin ng pagpapalawak ng pagbubukas sa labas ay walang kinalaman sa kasalukuyang alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika. Ito ay bahagi ng plano ng unti-unting pagpapasulong sa pagbubukas, na itinakda ng Tsina batay sa kalagayan ng bansa.

Pero, gusto ni Trump, na sa pamamagitan ng kanyang pahayag, ipakita sa daigdig, na ginawa ng Tsina ang naturang aksyon dahil sa presyur mula sa panig Amerikano, at sumuko ang Tsina sa trade war na inilulusad ng Amerika.

Ikatlo, para patahimikin ang pagpuna sa loob ng Amerika

Ang paglulunsad ni Trump ng trade war sa Tsina ay pinupuna ng maraming tao sa loob ng Amerika. Ipinalalagay nilang, ito ay isang "political gamble," para panatilihin ang kapangyarihan ng Republican Party sa arenang pulitikal, at mapanganib ito sa kabuhayang Amerikano.

Gusto ni Trump na samantalahin ang pagkakataon ng pagpapalabas ng Tsina ng mga hakbangin ng pagbubukas, para patahimikin ang pagpuna at pagtutol sa loob ng bansa, at ipakita sa mga mamamayang Amerikano, na may epekto ang kanyang estratehiya sa Tsina.

Pero, hindi ito tinatanggap ng opinyong publiko ng Amerika. Nagpalabas ng isang artikulo ang Axios, online media ng Amerika na nag-e-espesyalista sa mga balitang pulitikal, at sinabi nitong, padalus-dalos at kaprisyoso si Trump hinggil sa trade war. Ito ay isang seryosong isyu, at dahil dito, ikinababalisa ng mga tao ang prospek ng trade war ng Amerika at Tsina, lalung-lalo na ang resulta nito sa Amerika.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>