Sa panayam sa Xinhua News Agency bago siya lumahok sa Boao Forum for Asia (BFA), ipinahayag kamakailan ni Surakiart Sathirathai, dating Pangalawang Punong Ministro ng Thailand, na natamo ng Tsina ang malaking bunga sa proseso ng pagsasagawa ng patakaran ng reporma at pagbubukas nitong 40 taong nakalipas, at ang karanasan ay maaaring pag-aralan ng ibang bansa. Aniya, gumaganap ng mahalagang papel ang Tsina para sa pag-unlad ng Asya.
Pinapurihan ni Sathirathai ang mga ideya at mungkahing iniharap ng Tsina na gaya ng "community of shared future for Asia," "Belt and Road" Initiative at iba pa. Aniya, ang mga ito ay hindi lamang nagpapasulong sa komong pag-unlad ng Asya, kundi rin ng globalisasyon ng daigdig.
salin:Lele