Ayon sa estadistikang inilabas ngayong araw, Biyernes, ika-13 ng Abril 2018, ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong unang kuwarter ng taong ito, ang paglaki ng pag-aangkat ng bansa ay mas mabilis kaysa paglaki ng pagluluwas, at ang trade surplus ay bumaba ng 21.8% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Sinabi ni Huang Songping, Tagapagsalita ng naturang administrasyon, na ito ay nagpapakitang ibayo pang nagiging balanse ang pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina, at bukas pa ang pamilihang Tsino sa daigdig.
Kaugnay ng tunguhin ng kalakalang panlabas ng Tsina sa ikalawang kuwarter, sinabi ni Huang, na ang mga elementong kawalang-katatagan sa kalagayang pandaigdig, at lumalalang proteksyonismong pangkalakalan ay nananatiling pangunahing hamon.
Salin: Liu Kai