Nakipag-usap Abril 12, 2018 sa Beijing si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina kay Luhut Panjaitan, sugo ng pangulo ng Indonesia.
Sa pag-uusap, ipinahayag ni Wang na sa ika-5 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Indonesia, umaasang ibayong patitibayin at palalawakin ang estratehikong pagtutulungan ng dalawang panig, batay sa magkasamang pagtatatag ng Belt and Road Initiative, pagpapasulong ng integrasyong panrehiyon, at pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Indonesia para matagumpay na isagawa ang mataas na pagpapalitan sa taong ito, pasulungin ang konstruksyon ng high speed railway sa pagitan ng Jakarta at Bandung, talakayin ang pagtutulungan sa Regional Integrated Economic Corridor, at ibayong palawakin ang bungang natamo sa pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Luhut Panjaitan na nakahanda ang Indonesia na magsikap, kasama ng Tsina para tupdin ang komong palagay na narating ng mga liderato ng dalawang bansa, pahigpitin ang pagpapalitan sa mataas na antas, at pasulungin ang ugnayan ng Indonesian Global Maritime Axis at Belt and Road Initiative. Ito aniya'y magdudulot ng mas malaking ginhawa sa mga mamamayan ng dalawang bansa at rehiyong ito.