Ayon sa Ministring Komersyal ng Tsina, noong unang kuwarter ng taong ito, umabot sa 25.5 bilyong dolyares ang non-financial direct investment ng Tsina sa 2,023 bahay-kalakal ng 140 bansa at rehiyon, at ito'y lumaki ng 24.1% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon. Anito pa, patuloy ito lumaki sa loob ng nakalipas na 5 buwan.
Ayon sa datos, noong unang kuwarter, umabot sa 3.61 bilyong dolyares ang bagong pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa 52 bansa sa kahabaan ng Belt and Road, at ito'y lumaki ng 22.4% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Samantala, ang pamumuhunan ng Tsina sa leasing at serbisyong komersyal ay may pangkalahatang bolyum na 25.6%, 18.2% sa mining, 15.2% sa manufacturing at paghahatid ng impormasyon, at 7.3% sa software at serbisyo ng impormasyon.
salin:lele