Idinaos nitong Biyernes at Sabado, ika-20 at ika-21 ng Abril 2018, sa Beijing ang pambansang pulong hinggil sa gawain ng cybersecurity at informatization ng Tsina.
Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Xi Jinping, Pangulong Tsino at Puno ng Central Cyberspace Affairs Commission, na ang informatization development ay isang mahalagang pagkakataon para sa pag-unlad ng Tsina. Dapat aniyang pasulungin ang breakthrough sa mga nukleong teknolohiya sa larangan ng informatization, aktibong lumahok sa pandaigdig na pangangasiwa sa cyberspace, at palakasin ang kakayahan ng bansa sa cyberspace sa pamamagitan ng sarilinang inobasyon.
Dagdag ni Xi, ang cybersecurity ay mahalagang bahagi ng pambansang seguridad, at ito rin ay garantiya sa maalwang takbo ng kabuhayan at lipunan, at interes ng mga mamamayan. Dapat aniyang pahalagahan ang cybersecurity, at buong higpit na labanan ang cyber hacking, telecom at Internet fraud, at paglapastangan sa privacy of individual.
Iniharap din ni Xi, na dapat ibayo pang patingkarin ang papel ng information technology sa paglilingkod sa manupaktura, agrikultura, at sektor ng serbisyo. Dapat din aniyang palakasin ang pandaigdig na kooperasyon sa konstruksyon ng cyber infrastructure, digital economy, at cybersecurity, sa ilalim ng Belt and Road Initiative.
Salin: Liu Kai