Nag-usap Abril 22, 2018 sa Beijing sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at dumadalaw na Ministrong Panlabas Sushma Swaraj ng India.
Sa isang magkasanib na preskon, ipinatalastas ni Wang ang nakatakdang pakikipagtagpo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Narandra Modi ng India, sa Abril 27-28 sa Wuhan, lalawigang Hubei, Tsina.
Sa pag-uusap, ipinahayag ni Wang na bilang kapuwa bansang may sinaunang sibilisasyon at magkapitbansa, mas malaki ang komong interes ng Tsina at India kaysa sa alitan. Aniya, ang pagpapasulong ng mapagkaibigang pagtutulungang may mutuwal na napakinabangan ng Tsina at India ay angkop sa komong interes ng dalawang panig. Tinukoy ni Wang na sa kasalukuyan, pumasok na sa bagong yugto ang konstruksyon ng sosyalismong may katangiang Tsino, at nagsisikap naman ang India para pasulungin ang pambansang kasiglahan. Aniya, ang pinahigpit na pagpapalitan ng mga liderato ng dalawang panig ay makakatulong sa kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon at daigdig.
Ipinahayag naman ni Sushma Swaraj na nakahanda ang India na magsikap, kasama ng Tsina para palalimin ang pagpapalitan ng mga liderato at pagpapahigpit ng pagtitiwalaan ng dalawnag bansa. Ito aniya'y makakatulong sa ibayong pagpapasulong ng estratehikong partnership ng dalawang bansa.