|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipag-usap nitong Linggo, Abril 15, 2018, kay Ministrong Panlabas Tarō Kōno ng Hapon, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyan, bumubuti ang relasyong Sino-Hapones, ngunit umiiral pa rin ang ilang masalimuot at sensitibong elemento. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng kanyang biyahe sa Hapon, makakabalik muli sa normal na landas ang relasyon ng dalawang bansa, at makakalikha ng kondisyon para sa pag-uugnayan sa mataas na antas ang dalawang bansa sa susunod na yugto.
Ipinahayag naman ni Kōno na ang biyahe ni Wang sa Hapon ay isang mahalagang sagisag sa pagbuti ng relasyong Hapones-Sino. Umaasa aniya ang panig Hapones na sasamantalahin ang kasalukuyang pagkakataon upang tuluyang mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa. Aniya, igigiit ng Hapon ang mga prinsipyong itinakda sa apat na dokumentong pulitikal ng Hapon at Tsina, at igigiit ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad. Dagdag niya, nakahanda ang Hapon na pangalagaan ang malayang sistemang pangkalakalan sa daigdig at gawing pundasyon ang mga regulasyon ng World Trade Organization (WTO) para mapangalagaan ang kasalukuyang tunguhin ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig at mapasulong ang ibayo pang pag-unlad ng rehiyonal na kooperasyong pangkabuhayan.
Nagpalitan din sila ng kuru-kuro tungkol sa situwasyon sa Korean Peninsula at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |