Ipinalabas kamakailan ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang "2017 Country Report on Human Rights" kung saan muling binatikos ang kalagayan ng karapatang pantao ng Tsina. Kaugnay nito, ipinahayag Lunes, Abril 23, 2018, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tangka ng Amerika na panghimasukan ang suliraning panloob ng Tsina, at apektuhan ang pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng pormang ito. Ani Lu, ito ay walang anumang bisa at tiyak na mabibigo.
Ipinahayag ni Lu na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pangangalaga at pagpapasulong ng karapatang pantao. Aniya, sapul nang maitatag ang bagong Tsina, partikular nitong 40 taong nakalipas, sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, natamo ng usapin ng karapatang pantao ng Tsina ang progresong historikal.
Salin: Li Feng