Ipinatalastas Abril 22, 2018, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina na idaraos ang di-pormal na pagtatagpo nina Xi Jinping, Pangulong ng Tsina at Narendra Modi, Punong Ministro ng India sa Wuhan, Lalawigang Hubei sa ika-27 hanggang ika-28 ng Abril. Pinapansin at positibong pinahahalagahan ito ng India. Ani Dr. B. R. Deepak, Propesor ng Center for Chinese and Southeast Asian Studies, Jawaharla Nehru University ng India. Aniya, ang idaraos na di-pormal na pagtatagpo ng mga lider ng India at Tsina ay magpapasulong ng pag-unlad ng bilateral na relasyon, at ito ay hindi lamang magdudulot ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi makakabuti rin sa buong daigdig.
Mula noong katapusan ng taong nakalipas, naging positibo ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at India, at nagkaroon ng madalas na pagpapalitan. Anang propesor, ang pagtatagpo ay mabuting progreso sa pagkakaroon ng diyalogo sa mataas na antas ng dalawang panig. Magpapalitan ang mga lider hinggil sa pagpapasulong ng relasyon, pagpapa-unlad ng bilateral na kalakalan, at pagpapalalim ng pagpapalitan ng mga mamamayan, at tatalakayin din nila ang komong interes ng pag-unlad ng dalawang bansa. Dagdag pa ng propesor, kung kokoordinahin ang mga estratehiya ng dalawang panig, mapapaunlad nang mabuti ang dalawang bansa.
salin:Lele