Nakipag-usap Abril 25, 2018 sa Beijing si Wei Fenghe, Ministrong Pandepensa ng Tsina sa Deputy Commander-in-Chief ng Royal Cambodian Armed Forces (RCAF) na si Meas Sophea.
Ipinahayag ni Wei na magkapitbansa at magkaibigan ang Tsina at Kambodya. Aniya, sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Kambodya, nakahanda ang hukbong Tsino na magsikap, kasama ng hukbong Kambodyano para tupdin ang komong palagay na narating ng mga liderato ng dalawang bansa, at pahigpitin ang estratehikong pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang hukbo, para maipagpatuloy ang konstruksyon ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran na may estratehikong katuturan, at bigyang-ginhawa ang mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Meas Sophea na pinahahalagahan ng Kambodya ang mapagkaibigang pagtutulungan ng dalawang bansa at hukbo. Nakahanda aniya ang Kambodya na magsikap, kasama ng Tsina para bigyang-ambag ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.