|
||||||||
|
||
Panmunjeom — Sa pagtatagpo Biyernes, Abril 27, 2018, nina Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea at Presidente Kim Jong-un ng State Affairs Commission ng Hilagang Korea, nilagdaan nila ang "Panmunjeom Declaration" kung saan nakasaad na magsisikap sila upang maisakatuparan ang target ligtas sa sandatang nuklear na Korean Peninsula.
Sinabi ni Moon Jae-in na walang magaganap na giyera sa Korean Peninsula, at nagsimula na ang bagong kabanata ng kapayapaan sa peninsulang ito. Ipinahayag naman ni Kim Jong-un na upang pasimulan ang "bagong panahon ng kaligayahan at kasaganaan" sa lupang walang digmaan, narating nila ni Moon Jae-in ang komong palagay.
Ipinangako sa deklarasyon ng dalawang panig na komprehensibo nilang ititigil ang "ostilong aksyon," at palalakasin ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |