|
||||||||
|
||
Pinarating ni Wang ang pagbati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Kim Jong Un. Ipinahayag ni Wang na ang pagtatagpo kamakailan ng mga katas-taasang lider ng dalawang bansa ay nagbukas ng bagong yugto ng relasyon ng Tsina at Hilagang Korea. Ang layunin ng pagdalaw na ito ay para maisakatuparan ang mga komong palagay na narating ng mga lider.
Ani Wang, matatag na gumawa ang Hilagang Korea ng disisyon batay sa pangangailangan ng kasalukuyang kalagayan, at nagbigay ng patnubay sa positibong pagbabago ng situwasyon ng Korean Peninsula. Kumakatig at bumabati ang Tsina sa pagtatagpo ng mga lider ng Timog at Hilagang Korea at pagdating ng Proclamation of the Panmunjom, ito ay nagkakaloob ng pagkakataon para sa pulitikal na paglutas ng isyu ng Korean Peninsula. Kumakatig ang Tsina sa pagpigil ng digmaan at pagpapalipat sa pagitan ng mga mekanismo ng tigil-putukan at kapayapaan ng Korean Peninsula, kumakatig sa pagbabago ng priyoridad ng Hilagang Korea patungo sa konstruksyong pangkabuhayan, at pangangalaga ng maayos na seguridad ng bansa sa proseso ng pagsasakatuparan ng target na non-nuclear Korean Peninsula. At nakahanda ang Tsina na pananatilihin ang pagpapalitan at koordinasyon.
Ipinahayag ni Jim na ang pagpapahigpit at pagpapaunlad ng kooperasyong pangkaibigan ng Hilagang Korea at Tsina ay matatag na estratehiya ng kanyang bansa. Lubos na pinapurihan aniya ang Tsina para sa positibong ambag sa kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsual, at nakahandang pahigpitin ang pagpapalitan. Ani Jim, ang pagsasakatuparan ng target ng non-nuklear Korean Peninsula ay matatag na paninindigan ng kanyang bansa. Ang positibong pagbabago ng kalagayan kamakailan ay nakakabuti sa mapayapang paglutas ng isyu. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na balikin ang diyalogo, itayo ang pagtitiwalaan, at talakayin hinggil sa pagbabawas ng pinag-uugatang nagbabanta ng kapayapaan ng Korean Peninsula.
salin:Lele
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |