Ipinahayag Huwebes, Mayo 3, 2018, sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nitong limang taong nakalipas sapul nang iharap ng Tsina ang "Belt and Road" Initiative para sa komong kasaganaan, parami nang paraming bansa at rehiyon ang nakikilahok at nakikinabang dito. Tinatanggap aniya ng Tsina ang iba't ibang bansa na sumakay ng express train ng "Belt and Road" Initiative patungo sa hinaharap na mayroon komong kasaganaan.
Ipinalabas kamakailan ng New Zealand China Council ang ulat ng pananaliksik hinggil sa "Belt and Road" Initiative. Anang ulat, maraming pagkakataon dulot ng initiative na ito, at kung hindi agarang lalahok ang New Zealand, mawawalan ito ng mga oportunidad. Tungkol dito, inulit ni Hua na ang "Belt and Road" Initiative ay iniharap ng Tsina, pero ang mga pagkakataon at bunga nito ay para sa buong daigdig.
Salin:Lele