Tokyo, Hapon—Huwebes ng umaga, Mayo 10, 2018, magkahiwalay na kinatagpo si dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina nina Idachi Tadachi, Ispiker ng Mataas na Kapulungan, at Oshima Tadamori, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Hapon.
Ipinahayag ni Li na ang pagpapalitan ng mga parliamento ay mahalagang bahagi ng relasyong Sino-Hapones. Nakahanda aniyang palakasin ng Tsina ang pakikipagpalitan sa pambansang asamblea ng Hapon, pahigpitin ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan ng dalawang bansa, at patibayin ang pundasyon ng mithiin ng mga mamamayan sa pag-unlad ng relasyong Sino-Hapones.
Kapuwa ipinahayag naman ng dalawang ispiker na sa pamamagitan ng kasalukuyang pagdalaw ni Premyer Li, ibayo pang mapapalakas ang pagkakaibigan ng dalawang bansa, at mapapasulong ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Vera