Idinaos kahapon, Linggo, ika-13 ng Mayo 2018, sa Yangon, Myanmar, ang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-5 anibersaryo ng pagkakatatag ng Samahan ng Myanmar para sa Pagkakaibigan ng Myanmar at Tsina.
Sa aktibidad, ipinahayag ni Sein Win Aung, Tagapangulo ng samahang ito, na patuloy silang magsisikap para patatagin ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Sinabi rin ni Sein, na kailangang lumahok ang Myanmar sa Belt and Road Initiative, dahil ito'y makakabuti sa kasaganaan ng mga bansa, rehiyon, at daigdig. Sa ilalim ng inisyatibang ito, nakahanda aniya ang kanyang samahan, na patuloy na magbigay ng ambag para sa kooperasyon ng Myanmar at Tsina sa kabuhayan, lipunan, kalusugan, edukasyon, at iba pa.
Ipinahayag naman ni Li Xiaoyan, Minister Counselor ng Embahada ng Tsina sa Myanmar, ang kahandaang magsikap, kasama ng naturang samahan, para pasulungin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai