Ipinahayag Mayo 16, 2018 sa Beijing ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng New Zealand para pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Winika ito ni Lu bilang tugon sa pahayag kamakailan ni Punong Ministro Jacinda Ardern ng New Zealand sa China Business Summit, na ang relasyon ng New Zealand sa Tsina ay isa sa mga pinakamahalagang relasyon ng bansa, na may pinakamalalim na impluwensiya, at naging huwaran ng mundo, sa pamamagitan ng pagdedebelop ng relasyong nagdadala ng malaking benepisyo sa kapuwa panig.
Ipinahayag ni Lu na natamo ang malaking tagumpay ng pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at New Zealand sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa. Aniya, sa bagong kalagayang pandaigdig, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng New Zealand para patuloy na pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership, batay sa prinsipyo ng paggagalangan at pagkakapantay-pantay, pagpapalalim ng pagtitiwalaang pampulitika, pagpapalawak ng pagpapalitan at pagtutulungan, at iba pa.