Ipinahayag Mayo 16, 2018 sa Beijing ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nitong ilang taong nakalipas, bilang bahagi ng pagtutulungang pandaigdig, natamo ng konstruksyon ng Belt and Road Initiative ang kapansin-pansing tagumpay.
Kaugnay nito, sinabi ni Lu, na ipagpapatuloy ng Tsina ang pagbubukas sa labas at ibayo pang pasusulungin ang naturang konstruksyon para maisakatuparan ang magkasamang pagtatamasa ng daigdig ng bunga nito.
Nauna rito, nilagdaan Mayo 15 ng Tsina at Trinidad and Tobago ang Memorandum of Understanding hinggil sa magkasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative.
Hinggil dito, ipinahayag ni Lu Kang na ito ang kauna-unahang dokumentong pangkooperasyon sa Belt and Road sa pagitan ng Tsina at mga bansa ng Caribbean.