Ipinahayag Mayo 17, 2018 sa Beijing ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang kalutasang pampulitika ng isyu sa Peninsula ng Korea ay dapat batay sa magkakasamang pagsisikap ng ibat-ibang may-kinalamang panig. Aniya, upang ipakita ang kanyang katapatan, gumawa na ang Hilagang Korea ng sariling pagsisikap sa usaping ito. Umaasa aniya siyang pahahalagahan at susuportahan ang mga ito ng komunidad ng daigdig.
Nauna rito, nang kapanayamin ng CNN si Senador Rand Paul ng Amerika bilang tugon sa banta mula sa H.Korea na muling pagisipan ang nakatakdang summit sa Amerika, ipinahayag niyang matapos gumawa ang kabilang panig ng mga mahalagang hakbang na kinabibilangan ng pagpapalaya ng 3 Amerikano, at pagpatalastas sa pagtigil ng nuclear tests, pero, wala namang anumang positibong reaksyon mula sa panig Amerikano.
Hinggil dito, ipinahayag ni Lu ang pag-asaang pahahalagahan ang naturang kaisipan at atityud ni Senador Paul. Umaasa rin aniya siyang sasamantalahin ng H.Korea at Amerika ang kasalukuyang mainam na pagkakataon at ipagpapatuloy ang diyalogo para magkasamang maisakatuparan ang denuclearization at pangmatagalang katatagan ng rehiyong ito.