Pangulong Xi Jinping ng Tsina
Mula Mayo 18 hanggang 19, 2018, idinaos sa Beijing ang Pulong ng Pangangalaga sa Kapaligirang Ekolohikal ng bansa. Dito, tinukoy ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, na dapat lubusang patingkarin ang bentaheng pulitikal ng pamumuno ng CPC at sistemang sosyalista ng bansa, at dapat ding lubos na gamitin ang pundasyon ng materyal na natamo sa reporma at pagbubukas sa labas nitong 40 taong nakalipas, para mapasulong sa bagong yugto ang pagpasok ng konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal ng bansa.
Ipinag-diinan ni Pangulong Xi na sa kabuuan, patuloy na bumubuti ang kalidad ng kapaligirang ekolohikal ng bansa, at lumitaw ang tunguhin ng tuluyang pagbuti. Ngunit, hindi pa aniya matatag ang bisang ito, at nasa masusing panahon ang konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal ng bansa, ani Xi.
Hinihiling din ni Xi na dapat pabilisin ang pagtatatag ng sistema ng sibilisasyong ekolohikal para maisakatuparan sa kabuuan ang target ng pagtatatag ng "Magandang Tsina" sa taong 2035.
Salin: Li Feng