Ipinahayag Mayo 21, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na dadalo ang Tsina sa Joint Commission Meeting of Joint Comprehensive Plan ng Action (JCPOA) na nakatakdang idaos sa Vienna sa ika-25 ng buwang ito.
Ayon sa ulat, nakatakdang idaos sa Vienna ang pulong ng Iran, Tsina, Rusya, Pransya, Alemanya, at Britanya hinggil sa isyung nuklear ng Iran. Ipinahayag ni Pangalawang Ministrong Panlabas Seyyed Abbas Araghchi ng Iran na tatalakayin sa pagtitipon ang epekto at impluwensiya ng pag-urong ng Amerika mula sa JCPOA at patuloy na pagpapatupad sa JCPOA ng mga signataryong panig.
Ipinahayag ni Lu na bilang tagapagkoordina ng JCPOA, nagsisikap ang Unyong Europeo para sa usaping ito. Aniya, patuloy na magsisikap ang Tsina para pangalagaan ang implementation ng JCPOA. Dagdag pa niya, dadalo ang delegasyong Tsino sa nasabing pagtitipon, na pinamumunuan ni Wang Qun, Direktor Heneral ng Departamento ng Arms Control ng Ministring Panlabas ng Tsina.