Nagpadala ngayong araw, Sabado, ika-26 ng Mayo 2018, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ng mensaheng pambati sa China International Big Data Industry Expo 2018, na binuksan din ngayong araw, sa Guiyang, lunsod sa timog kanluran ng Tsina.
Tinukoy ni Xi, na ang big data ay kabilang sa bagong henerasyon ng information technology, na nagdudulot ng mahalaga at malalimang epekto sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, pamamahala ng estado, pangangasiwa ng lipunan, at pamumuhay ng mga mamamayan. Kailangan aniyang palakasin ng iba't ibang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan, para sa pag-unlad ng industriya ng big data.
Binigyang-diin din ni Xi, na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng industriya ng big data. Umaasa aniya siyang magpapalitan ng palagay at magtitipon ng katalinuhan ang mga kalahok sa nabanggit na ekspo, para pasulungin ang inobatibong pag-unlad ng industriya ng big data, at sa gayon, magdulot ng benepisyo sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa, at magbigay ng ambag sa pagtatatag ng community with a shared future for humanity.
Salin: Liu Kai