Sinabi kahapon, Biyernes, ika-25 ng Mayo 2018, ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na isinasagawa ngayon ng panig Amerikano at panig Hilagang Koreano ang konstruktibong pag-uusap hinggil sa pagpapanumbalik ng pagtatagpo nila ni Kim Jong Un, Kataas-taasang Lider ng H.Korea.
Aniya, posibleng idaraos ang naturang pagtatagpo sa nakatakdang iskedyul, na ika-12 ng darating na Hunyo sa Singapore. Pero, posible ring ipagpapaliban ang pagtatagpo, dagdag ni Trump.
Nitong Mayo 24, sa kanyang liham kay Kim, sinabi ni Trump, na kanselado na ang kanilang pagtatagpo sa Singapore. Bilang tugon, sinabi naman ng panig H.Koreano, na ang desisyong ito ay hindi angkop sa hangarin ng komunidad ng daigdig para sa kapayapaan at katatagan sa Korean Peninsula, at maging sa daigdig. Dagdag pa ng panig H.Koreano, nakahanda itong idaos ang talastasan kasama ng Amerika, sa anumang oras at porma.
Salin: Liu Kai