Sa regular na preskon Miyerkules, Hunyo 6, 2018, tinukoy ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, umaasa ang panig Tsino na patuloy na pangangalagaan at ipapatupad ng iba't ibang may kinalamang panig sa isyung nuklear ng Iran ang Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), batay sa pangmalayuan at pangkalahatang panananaw.
Ayon sa ulat, ipinahayag kamakailan ng lider ng Iran na gagawa ng paghahanda ang Atomic Energy Organization of Iran (AEOI) para sa pagpapataas ng kakayahan sa uranium enrichment. Ipinadala na ng panig Iranyo ang liham sa International Atomic Energy Agency (IAEA) tungkol dito.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Hua na ang patuloy na pangangalaga at pagpapatupad ng JCPOA ay hindi lamang makakatulong sa pangangalaga sa pandaigdigang sistema ng di-pagpapalaganap ng sandatang nuklear, at kapayapaa't katatagan ng rehiyong ng Gitnang Silangan, kundi angkop din sa komong interes ng komunidad ng daigdig.
Salin: Vera